
Bago matapos ang buhay high school, kailang makahanap na ng eskwelahan na papasukan para sa pagpasok sa kolehiyo. Matapos naming makuha ang aming mga grades noong 2nd grading, nagplano na kaming magkakaklase na pumunta sa Bulacan State University upang makapagpareserve na kami para sa entrance exam doon. Sabay-sabay kami na pumunta sa paaralang ngayon lang namin makikita at mapupuntahan. Dahil nga sa first time, parang ang layo naman ng byahe, kaya, kwentuhan muna habang nasa daan. Nang makarating kami sa BSU, isang mukha ng pagiging inosente ang nakita ko sa mukha naming lahat. ang laki pala ng eskwelahan na 'to! parang di ko malilibot sa isang araw lang! Yan ang nasabi ko noong pagpasok namin sa BSU. Hinanap namin ang admission office kung saan kami dapat pumunta at magtanong tungkol sa kursong dapat naming kunin. Nagsimula kaming pumila kahit na sobrang init at walang maupuan. Nang makarating na ko sa window, tinanong ako nung teacher doon kung ano daw ang gusto kong course, mabilis akong sumagot na "Computer Science po". Tinignan nya ang card na binigay ko sa kanya, at tsaka niya sinabi na ang ino-offer lang daw ng BSU ay Com.Sci. major in math, mabilis naman akong tumanggi dahil alam ko namang hindi ko porte ang math at tinatakasan ko talaga ang subject na yun. Nalungkot naman ako dahil wala yung course na gusto kong pasukan dahil sa nahiya na kong tumalikod, ginaya ko na lang ang barkada ko at sinabi kong H.R.M na lang ang kukunin ko. Tinignan na naman niya ang card ko at sinabi naman na hindi daw pasok ang grade ko sa average na hinihinhi ng HRM course. At the second time, hindi na naman ako nag-fit sa course na gusto ko. Isip na naman ako ng course na gusto ko, nararamdaman kong nagtatagal na ko dun pero hindi naman nagagalit yung teacher. Sinabi ko naman na I.T na po ang kukunin ko, tinignan na naman niya yung card ko, sa pangatlong ulit, sinabi na naman niya na hindi pa rin daw pwede yung grades na nakuha ko, math daw kasi dapat nasa 83, ang grade ko nasa 81 lang kaya hiyang-hiya na talaga ko. kinuha ko yung card ko, tinignan ko kung ano yung grade na pinakamataas at yun na lang ang susubukan kong kuning course, nakita ko na ang mataas na grade ko ay Filipino subject. dahil sa nandon na ko at ayoko ng pumila ng mahaba pa, lakas loob kong sinabi na Education po, BSed filipino major. at sa awa ng Diyos,pwede na ang grade ko. Tinatakan na ang papel ko at binigyan ako ng form na dapat sulatan. Hindi ko inaasahang sinabi ko na gusto kong maging isang teacher at napili ko pa ang maging Filiino major. Noong oras na dapat na akong mag-exam, ok naman ang lahat, nakapag-sagot ako ng tama at ayon sa oras. Hinintay na lang ang resulta. Noong nalaman namin na naka-post na ang mga nakapasa sa entrance exam pumunta kami agad sa BSU para yignan kung nandoon ang mga pangalan namin. Sa aming magbabarkada, ako lang ang nakapasa. di ko inakala na papasok ako sa bsu nang wala ang tropa ko, pero dahil sa iyon lang ang tanging pinagkuhanan ko ng exam, naglakas loob akong sa BSU na mag-aral at panindigan ang course na kinuha ko. Ngayon, pangatlong taon ko na sa College of Education, hindi ko masasabi na madali ang course na kinuha ko. Pero ito ang course na nakapagpabago sa akin, natuto ako kung paano maging independent at magtiwala sa kakayahang meron ako para makatapos ng kolehiyo.
Ngayon, isang taon na lang ang pipilitin at pagtyatyagaan kong tapusin at di magtatagal ay makaka graduate na rin ako. Minahal ko na ang course na di ko inaasahang kapupuntahan ko, siguro nga dahil na rin sa tiyaga at dahil na rin sa mga kaibigang nakasama at minahal ko at lalong mas marahil narito ako sa kursong BSed Filipino major dahil ito ang plano ng Panginoon para sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit isa ako ngayon sa mga mag-aaral ng BSU sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon.
No comments:
Post a Comment